Ping: Sa mga espekulasyon tungkol sa kalusugan ni Duterte
MANILA, Philippines — Kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa Pangulo ay dapat laging handa ang Bise-Presidente ng bansa na mag-take over sa puwesto.
Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Anya, hindi maiaalis ang espekulasyon at pag-aalala kay Duterte dahil siya ang presidente kaya posibleng ang mga kontra sa kanya ay baka nanalangin din kahit sabihin na hindi seryoso ang sakit niya.
Ito rin umano ang dahilan kaya dapat laging binabantayan ng mga tao ang kalusugan ng pangulo at hindi rin umano unusual na maraming nag-espikulasyon sa kalusugan ng pangulo maging sa ibang bansa.
Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos na sabihin ni Duterte na sinabihan siya ng kanyang doktor na tumigil na sa pag-inom ng alak dahil ang kanyang Barrett’s esophagus ay malapit na maging stage 1 cancer.
Nilinaw naman niya na ang maaaring magpaalis sa pangulo ay kung hindi na magampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang sakit tulad umano nang nangyari noon kay dating Pangulong Fidel Ramos na sumailalim sa carotid operation at itinalaga si dating Vice president Joseph Estrada.