^

Police Metro

P4.8 bilyong Bicol International Airport tatapusin ngayong taon

Doris Franche - Pang-masa
P4.8 bilyong Bicol International Airport tatapusin ngayong taon
Sinimulan noong 2005, naging masyadong mabagal ang trabaho sa BIA bagama’t bumilis ito ng kaunti noong 2009 ngunit patigil-tigil pa rin hanggang sa maupo si Pangulong Duterte.
STAR/Jun Mendoza, file

MANILA, Philippines — Tatapusin ng pamahalaang Duterte ngayong taon ang P4.8-B Bicol International Airport na isa sa malalaking proyekto ng pamahalaan na mahalagang papel ang gagampanan sa pagbangon ng bansa mula sa matinding epekto ng pandemyang Covid-19.

Ito ang inihayag ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, nang tiyakin sa kanya ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), nang inspekyunun nila ang proyekto kamakailan.

Sinabi ni Salceda na ang BIA ay bahagi ng malalaking proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build” Program ng gobyerno na inaasahang magiging mga mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa.

Isa ang ‘aviation industry’ sa mga pinalugmok ng pandemya at inaasahang malaki ang maitutulong ng BIA upang ito’y makabangon.

Sinimulan noong 2005, naging masyadong mabagal ang trabaho sa BIA bagama’t bumilis ito ng kaunti noong 2009 ngunit patigil-tigil pa rin hanggang sa maupo si Pangulong Duterte.

Sa taya ng DOTr, nitong nakaraang Hunyo 24, nasa 81% tapos na ang Package 2A ng paliparan kung saan kasama ang Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, and  Maintenance Building (Landside Facilities). Nasa ‘34% complete’ naman ang Package 2B nito kung saan kasama ang ‘Passenger Terminal Building and Runway.’

Tiniyak din diumano ng DOTr, naikasa na nila ang ‘24/7 work’ na pasisimulan agad para mapabilis at matapos ang BIA sa lalong madaling panahon at  nasa dalawang milyong pasahero ang inaasahang gagamit sa taun-taon.

BICOL INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with