UV Express at Jeep bibiyahe na sa lunes
MANILA, Philippines — “Sa Lunes, magsisimula na iyong UV Express. We are looking at 30 routes. Within the same week, magbubukas naman iyong traditional jeepneys.”
Ito ang inihayag ni Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na uunahin munang pumasada ang mga UV Express batay sa polisiya ng Department of Transportation na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases bago ang pagbiyahe ng traditional jeepney.
Anya, papayagan ang mga traditonal jeep sa kalsada sa susunod na linggo matapos ang tatlong buwang ban dahil sa quarantine protocols na ipinatupad dulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ni Delgra, isang araw matapos sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa naaaprubahan ng IATF ang pagbabalik ng mga jeep.
Magugunita na Hunyo 1 nang payagan ng mga bus at modern public utility vehicles na bumiyahe sa mga kalsada upang pagsilbihan ang mga commuter.
- Latest