MANILA, Philippines — “Magkaroon ng flexible payment sa mga tuition ng mga estudyante lalo na ‘yong mga apektado ng COVID-19.”
Ito ang panawagan si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa lahat ng mga paaralan, unibersidad at iba pang educational institutions dahil sa maraming nawalan ng trabaho at walang pagkukunan ng pampaaral sa kanilang mga anak.
“Baka ‘di kakayanin ng mga magulang ang malaking amount. Importante po hindi sila maantala o mahinto sa kanilang pag-aaral,” giit ni Go.
Nanawagan kamakailan si Go sa Senate hearing sa mga pribado at government banking and financial institutions, katulad ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG Fund, na magkaroon din ng flexible payment terms para sa mga personal at commercial loans, upang makabawi ang mga kababayan na naapektuhan ng pandemya.
Sa naturang hearing, inatasan din ni Go si Commission on Higher Education (CHED) head, Prospero de Vera III, na siguruhin na mapapadali at maayos ang implementasyon ng mga online o distance learning ng mga college students at iginiit din nito sa mga school officials na i-prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.
“There are fears that students will be dangerously exposed kapag pinapasok na sila habang ginagamit ang kanilang mga eskuwelahan as quarantine facility. Kindly check that also,” dagdag ni Go.