^

Police Metro

SC: Ikakasal, 3 panauhin lamang ang papayagan sa civil wedding

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilimitahan ng Korte Suprema sa limang katao lamang ang papayagan sa mga civil wedding.

Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta sa inilabas na Administrative Circular No.39-2020 noong Huwebes: “Civil weddings may be so­lemnized, provided the parties, witnesses and guests shall not exceed five, as provided in the Guidelines on the Phased Transition from ECQ (enhanced community qua­rantine) to GCQ (general community qua­rantine), and health hygiene protocols and other public medical standards.”

Kailangan ding sundin ang pagsusuot ng face mask at face shield, no-contact thermal scanning, at social distancing habang nagaganap ang seremonya.

Naka-address ang sirkular na ito sa lahat ng litigant, hukom at court personnel at mga kasapi ng bar ng operasyon ng korte habang may ECQ.

Unang ipinahayag ni SC Magistrate Marvic Leonen ang probisyon ng kasal sa sirkular sa kanyang Twitter account (@mvfleonen).

“I suggest the parties no longer invite their exes. Better still, take more time to think about doing it.” tweet nito.

Subalit, nilinaw ni Leonen na kailangang naroon sa seremonya ang ikakasal.

CIVIL WEDDING

KORTE SUPREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with