^

Police Metro

Senado sisikapin na maisabatas ang CITIRA bago magbakasyon

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago mag-adjourn sa susunod na buwan ay sisikapin ng Senado na maipasa ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA).

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, na gagawin nila ang lahat para maipasa ang nasabing panukala bago mag break ang Kongreso sa Hunyo 3.

Ayon naman kay Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate Ways and Means Committee na ang magagamit ang CITIRA para makahikayat sa business sector na mag invest dito sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Cayetano maaaring maging oportunidad ang CITIRA para magbigay ng incentives sa mga kailangang industriya ngayon tulad ng mga gumagawa ng PPEs.

Ang kailangan lamang umano ngayon ay bumalik sa drawing board dahil sa bago na rin ang sitwasyon ngayon at para mabigyan ng incentive ang mga kumpanya na mag-iinvest sa mga produktong magiging self reliant ang bansa tulad ng paggawa ng sarili nating PPEs.

Ang reaksyon ng mga Senador ay bunsod sa apela ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Senado na agad aprubahan ang corporate tax reform bill na nasa 2nd reading na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng panukala bababaan ng mula sa 20% mula sa 30% sa taong 2029 ang corporate income tax rate para sa domestic at residents foreign corporations.

CITIRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with