^

Police Metro

Aktibista sa Iloilo itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na aktibista ang pinagbabaril at napatay kahapon ng umaga sa Sto. Niño Norte sa Arevalo District, Iloilo City.

Kinilala ang nasawi na si Jory Porquia, Bayan Muna Coordinator sa lungsod ng Iloilo.

Batay sa report, alas-5:00 ng umaga ay nakaupo sa isang coffee shop ang biktima nang lapitan siya ng mga nakamaskarang lalaki at sunod-sunod siyang pinagbabaril at nang masigurong patay na ang target ay mabilis na tumalilis sa crime scene ang mga suspek.

Ayon kay  ACT Teachers Rep. France Castro, si Porquia kasama ang iba pang mga miyembro ng Bayan-Panay ay aktibo sa isinasagawang mga feeding programs para sa mga pamilya sa mga mahihirap na komunidad na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Iloilo City.

Kanilang kinokondena at humihingi ng hustisya ang ginawang pagpatay kay Porquia at nais na maimbestigahang mabuti ang krimen at managot ang maysala sa batas.

vuukle comment

AKTIBISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with