^

Police Metro

Pagkatapos ng COVID “Balik probinsya Program” isusulong ni Sen. Bong Go

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng pandemic na COVID-19 ay isusulong ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang  “Balik-Probinsya Program” at iba pang long-term solution bilang paghahanda sa tinatawag na “new normal”.

Anya, sa pamamagitan ng “Balik-Probinsiya Program” ay  bibigyan ng insentibo at pangkabuhayan ang mga kababayan na gustong bumalik sa kanilang probinsya sa halip na ipagpatuloy ang kanilang mahirap na buhay sa Metro Manila.

“Paghandaan na natin ang “new normal” at ang isa sa pinakaimportanteng hakbang na dapat nating gawin ay ang paglilipat ng mga tao mula sa mga siyudad papunta sa mga probinsya,” ani  Sen. Go.

Dahil sa COVID-19, mas napapanahon na ngayon na i-decongest na ang Metro Manila para maibsan ang kahirapan sa buhay na nararanasan sa National Capital Region (NCR).

Kasabay nito, sinabi pa ng senador na nararapat na ring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga long-term solution sa kasalukuyan nating problema sa COVID-19. Dapat daw ay matututo na tayo sa nangyari at mas handa na ang lahat kapag may naulit na ganitong sakuna. 

BALIK PROBINSYA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with