^

Police Metro

Baragay Molino 3 sa Bacoor City isasailalim sa total lockdown

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pangunguna sa rami ng mga pasaway at bilang ng mga apektado sa COVID-19, isasailalim sa “total lockdown” sa loob ng isang linggo ang Brgy. Molino 3 sa Bacoor City, Cavite.

Simula ng Abril 24 hanggang Abril 30 ay ipatutupad ang total lockdown sa Brgy. Molino 3 at ipinagbabawal na lumabas sa kani-kanilang bahay ang mga residente dito.

Ayon sa Facebook page ng Cavite Connect at Bacoor City Health Office, napapaloob sa nasabing batas na ang lahat ng daanan at kalsada ng Barangay Molino 3 ay isasara at babarikadahan ng mga pulis. 

Dadaan lahat sa checkpoint ang mga papasok sa barangay at hindi papayagang pumasok ang hindi awtorisadong residente dito kahit pa may mga kamag-anak na nakatira. 

Magbibigay umano ng mga bagong quarantine ID pass ang barangay at ito ay limitado lamang.

Ipatutupad rin ang 24 oras na curfew at hindi papayagan ang lahat ng klase ng transportasyon sa barangay.

Ang mga pagkain, important supplies, gamot at iba pang mga pangunahing pangangailangan ay inaayos na para sa mga residente ng Barangay Molino 3 sa pamamagitan ng online market delivery, Mercury drug delivery system, Watsons, Mobile Palengke at iba pang mga rolling stores.

TOTAL LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with