Leap year baby girl isinilang sa Maynila

MANILA, Philippines — Isang malusog na leap year baby girl ang isinilang ng isang 20-anyos na ina sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sa panayam kay Carmela Disalisa alyas “Charm”, residente ng Sta. Quiteria, Caloocan City, pinangalanan niyang Keith Annlisse ang sanggol na dumaan sa normal delivery dakong alas-3:41 ng mada­ling araw ng Pebrero 29 (Araw ng Sabado).

Nagpasalamat si Carmela na hindi man normal ang magiging birthday o petsa tulad ng iba na taun-taon ay nagdiriwang sa mismong petsa, masaya siya dahil biniyayaan na siya ng Panginoon ng anak na malusog at wala naman umanong health issue.

Aniya, solo parent siya sa kasalukuyan dahil nagkahiwalay na sila ng ama ng kaniyang beybi.

Show comments