92% ng mga Pinoy may bulok na ngipin

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 92 por­si­yento ng mga Filipino ang may bulok na ngipin, samantalang 78% naman ang may gum disease.

Kaya’t isi­nusulong ni Sen. Sonny Angara ang Senate Bill 962 na naglalayong magtayo ng dental health unit sa bawat rural health center sa bansa sa pangangasiwa ng Department of Health.

Anya, mahalagang ma­­abot ang pinakamahihirap na Filipino sa malalayong lugar at probinsya at maalagaan ng mga dentista. 

Sa datos ng Phi­lippine Prosthodontic So­ciety no­ong 2016, tinata­yang 7 milyong Pinoy ang hindi pa nakapagpapa-check up sa dentista dahil sa takot na malaki ang magagastos dito.

Show comments