^

Police Metro

4 Poacher timbog sa P30-M taklobo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na poachers ang inaresto ng mga otoridad at nakumpiska sa kanila ang nasa P30-M halaga ng fossilized giant clams o mga taklobo sa isinagawang operasyon sa Cordova, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina George Oldama at Bebing Oldama; Roweno “Wenski” Tajanlangit at isa pa.

Ayon kay Major Aristedes Galang Jr., Spokesman ng Philippine Air Force (PAF), dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ang magkakasunod na ope­rasyon ang Field Station Central personnel, 301st Special Mission Group  ng PAF, bilang lead unit, National Bureau of Investigation (NBI)  at Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resource (BFAR) sa Brgy. Day-as at Brgy. Catarman, Cordova, Cebu.

Nakumpiska  mula sa mga suspect ang nasa 90 mga higanteng taklobo, 59 piraso na medium-sized, anim na sako ng maliliit na taklobo.

Nasa 2,000 kilo naman ng mga clams  na tig P15,000.00 ang kilo ang  narekober  sa mga suspect.

Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng search warrant sa kasong paglabag sa Section 102 ng Republic Act 10654 o ang inamyendahang Philippine Fisheries Code of 1998.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

TAKLOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with