^

Police Metro

6 sugatan sa bumagsak na rides sa carnival

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang anim katao kabilang ang tatlong bata matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang spinning-swinging rides sa carnival ng isang mall sa Landco Business Park, Brgy. Capantawan sa Legazpi City, Albay, kama­kalawa ng gabi.

Patuloy na nagpapa­galing sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Jester Kurt Badong, 6; Jasmine Maud, 8; Mateth Lopez, 59, pawang residente ng Brgy. Rawis; Angyeta Balong, 40; Mo­nica Hererra, 22 at Jeric Conde, 12-mga kapwa re­sidente ng Brgy. Taysan.

Sa ulat, dakong alas-9:10 ng gabi ay lulan ng nasabing rides ang mga biktima nang bigla itong nasira at bumagsak ito sa lupa. Agad na naka­pagresponde ang emergency rescue unit ng lungsod at isinugod ang mga biktima sa ospital.

Ipinasara naman ng lokal na pamahalaan ang naturang amusement park habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon.

vuukle comment

LANDCO BUSINESS PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with