^

Police Metro

Mag-asawa, guilty sa panggagahasa sa dalagitang anak

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng mababang hukuman na nagsasaad na guilty ang mag-asawa sa salang panggagahasa sa sariling anak na dalagita.

Sa 14-pahinang desisyon, ibinasura rin ng Supreme Court (SC) Second Division ang apela ng mga magulang ng 14-anyos na biktima at sa halip ay pinagtibay ang hatol sa kanilang reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo ng walang eligibility ng parole.

Inatasan rin sila ng hukuman na magbayad sa biktima ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral damages, at P100,000 bilang exemplary damages, na lahat ay may interest rate na 6% per annum mula sa petsa kung kailan naisapinal ang desisyon hanggang sa tuluyan itong mabayaran.

Sa desisyon ng hukuman, iginiit nito na ang incestuous rape ay hindi isang simpleng criminal offense na madaling i-fabricate, partikular na anila sa nasabing kaso kung saan ang dalawang magulang mismo ang akusado.

Nabatid na nagsabwatan ang mag-asawa upang gahasain ang sariling anak. Kapwa itinanggi ng mag-asawa ang akusasyon.

Nagdesisyon naman ang mababang hukuman pabor sa biktima, sanhi upang iapela ito sa Court of Appeals (CA).

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with