Negosyo sa Maynila, uunlad-Bagatsing
MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ng kilalang civic leader at negosyante na si Don Bagatsing na lalago at uunlad ang mga negosyo sa Maynila bunsod na rin ng political will o pagiging seryoso ni Manila City Mayor Isko Moreno na linisin ang mga pangunahing kalsada sa Quiapo, Divisoria at iba pa na sentro ng kalakalan sa lungsod.
Sinabi ni Bagatsing, ang mga lansangan sa Maynila kagaya ng isang ugat na dumadaloy ang dugo patungo sa ating puso at baga kapag walang barado ay tuluy-tuloy ang daloy ng dugo, kapag walang barado sa lansangan ay uunlad ang negosyo at kalakalan.
“Roads are like arteries to the lungs. You clear it, you let the city breath, trade & commerce will boom” sabi ni Bagatsing.
Sinabi ni Bagatsing, malaking kaginhawaan sa kanilang mga negosyante ang ginagawang paglilinis ni Mayor Moreno sa mga lansangan gaya ng paglilinis sa Divisoria na maluwag ng nakakadaan ang mga sasakyan at mga jeep at hindi na rin nahihirapan ang mga mamamayan na nagtutungo sa naturang lugar.
Inihayag pa ni Bagatsing na darami pa ang mga negosyante na maglalagak ng negosyo sa Maynila dahil sa ipinatutupad na mahigpit na disiplina sa mga vendor at motorista na dapat sumunod sa ipinaiiral na batas.
- Latest