^

Police Metro

Baby lunod sa timba ng tubig na may asido

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang anim na buwang sanggol na babae matapos malunod sa isang timba ng tubig na may halong oxalic acid nang aksidenteng mahulog dito naganap sa isang palengke sa Brgy. 40, Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bacolod City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Libertad Public Marker, sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang natutulog sa mesa ang sanggol katabi ang mga pagod nitong magulang nang gumapang ito kung saan aksidenteng nahulog sa timba na puno ng tubig na may halong oxalic acid na gamit ng mga vendor­ nitong magulang sa ka­ni­lang mga panindang gulay at prutas para magmukhang sariwa.

Nang maalimpunga­tan ang mag-asawa ay na­kalubog na sa timba na una ang ulo ang sanggol na bagaman nagawa pang maisugod sa Corazon Montelibano Memorial Hos­pital ay nabigo namang maisalba ang buhay.

Abut-abot naman ang pagsisisi ng mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak habang patuloy ang im­bestigasyon ng mga pulis sa naturang trahedya.

OXALIC ACID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with