^

Police Metro

C-5 ‘top killer highway’ sa Metro Manila

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang 2018 accident report na kung saan ay aabot sa 116,906 road accidents ang naganap na ikinasawi ng 394 at pagkasugat ng 17,891 noong nakalipas na taon na mas mababa ang bilang kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon.

Sa 394 nasawi noong nakaraang taon ay aksidente sa motorsiklo ang dahilan na kung saan ang 154 ay mga driver, 36 ay mga pasahero at ang natitira ay mga pedestrians.

Lumabas din sa ulat na ang C-5 ay siyang na­ngungunang “killer highway” noong 2017 at 2018 na nagtala ng 27 namatay noong nakalipas na taon;sumunod ang Edsa na may 21 nasawi; Roxas Boulevard ay 17; McArthur Highway, ay 11, at ang dating “killer highway” na Commonwealth Avenue ay nakapagtala ng 10 nasawi na posibleng dahil sa Metro Rail Transit 7 construction.

Kaya’t pinag-iingat ni MMDA traffic czar Bong Nebrija ang mga motorista na dumadaan sa mga nasabing kalye lalo’t nangyayari ang aksidente sa gabi at madaling araw.

Samantalang ilan sa mga sanhi ng aksidente ay dahil sa over speeding  ng mga driver na kadalasan ay nakainom kaya’t hindi nakontrol ang preno.

Sa kasalukuyan ay ipinapatupad ng MMDA ang 60kph driving policy at  speed  guns para  maiwasan ang aksidente.

ROAD ACCIDENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with