Smartmatic turuan ng leksiyon-Malacañang
MANILA, Philippines — Hiniling ng Malacañang sa Commission on Elections (Comelec) na kailangang rebyuhin nito ang kanilang kontrata ng Smartmatic matapos na makapagtala ng mara-ming aberya sa katatapos na midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat turuan ng leksiyon ang Smartmatic sa dami ng reklamo dahil sa sablay nito sa pagpapatupad ng automated election.
Dapat din umanong maipaliwanag nang maa-yos ng Smartmatic ang dahilan ng mga aberya sa mga vote counting machines dahil kung hindi ay puwede itong sampahan ng kaso.
Batay sa paliwanag nang ilang IT experts ay malaki talaga ang tiyansa na magloko ang mga VCMs lalo na’t tatlong taon ang nakalipas bago ito ginamit muli.
Iminungkahi naman ni Panelo ang pagkakaroon ng regular testing sa mga VCMs upang masigurong gumagana ito sa oras na muli itong gamitin.
Magugunita na maraming VCM’s at SD cards ang pumalya sa ginanap na May 13 elections na nagpabalam sa takbo ng eleksyon sa ilang lugar.
- Latest