Revilla inendorso ng El Shaddai

MANILA, Philippines — Inendorso ng religious group na El Shaddai na nasa pitong milyong miyembro ang kandidatura ni dating Sen.Ramon “Bong” Revilla Jr., sa kabi-kabilang paninira na pinupukol ng mga kalaban nito sa pulitika.

Pinatunayan ni Bro. Mike Velarde, lider ng nasabing grupo na hindi sila kailan man nagpapadala sa dikta ng iba dahil alam nilang makakatulong sa bansa si Revilla.

Inabsuwelto rin ng El Shaddai si Revilla sa sinampa­hang kaso laban dito na nakulong ng apat na taon at anim na buwan sa Camp Crame.

Inihayag ni Revilla sa harap ng mga miyembro ng El Shaddai ang kanyang nagawa sa Senado at mga plataporma na kumikiling sa mga manggagawa, OFWs at mahihirap na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga miyembro ng El Shaddai.

Show comments