^

Police Metro

Chopper crash: 3 utas

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa
Chopper crash: 3 utas
Sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-12:50 ng hapon ay lulan ang mga biktima ng helicopter na may body markings RP C8098 nang bigla itong magloko na tuluy-tuloy na bumulusok at bumagsak sa isang pa­laisdaan.
Omar Padilla

Bumagsak sa palaisdaan sa Bulacan...

MANILA, Philippines — Isang negosyante at dalawa nitong kasama ang nasawi matapos na aksidenteng bumagsak sa palaisdaan ang sinasakyan nilang helicopter sa Brgy. Anilao, Malolos City, Bulacan, kahapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina si Liberato “Levy “ Laus, 67, Chief Executive Officer (CEO) ng Laus Group of Companies, pilotong si Everett Coronel at bodyguard nitong si Wilfran Esteban, 41.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-12:50 ng hapon ay lulan ang mga biktima ng helicopter na may body markings RP C8098 nang bigla itong magloko na tuluy-tuloy na bumulusok at bumagsak sa isang pa­laisdaan.

Agad namang nagresponde sa lugar ang pulisya nang matanggap ang impormasyon na nagsagawa ng search and rescue operations sa mga biktimang posible pang masagip.

Nabatid na ang helicopter ay galing sa Maynila at patungong Pampanga nang mangyari ang insidente.

LIBERATO LAUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with