3,263 istraktura na nakatayo sa danger zone, mawawasak
Kung gagalaw ang faultline sa West Valley...
MANILA, Philippines — Posible anyang mawasak ang mahigit 3,263 istraktura na nakatayo sa danger zone ng West Valley fault kung gagalaw ang mga faultline sa oras na lumindol.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kahit matibay ang isang gusali, pero kung ito ay nakatayo sa danger zone ng west valley fault ay mawawasak ang pundasyon at masisira ang gusali.
Ang West Valley fault ay may 100 kilometro mula lalawigan ng Bulacan na dadaan sa Metro Manila puntang Cavite hanggang sa Laguna.
Sa kabuuang 3,263 structures na naitayo sa fault line,may 1,630 dito ay residential structures; 1,392 mixed residential at commercial structures; 58 commercial structures; 52 industrial structures; 24 cultural structures; 7 infrastructure at utilities structures; at 6 na recreational structures.
Kaya’t inabisuhan ng Philvocs ang mga residenteng nasa fault line ang straktura na lisanin ang lugar upang makaiwas sa peligro ang buhay at lagyan ng marker ang lugar na ito ay nasa fault line.
- Latest