19 NPA rebs sumurender
MANILA, Philippines — Muling nalagasan ang hanay ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na sumuko sa tropa ng militar ang 19 miyembro nito sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kamakalawa.
Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division (ID) ang 19 rebelde ay sumuko kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng NPA, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sinabi ni Encinas na ang mga nagsisukong NPA rebels ay iprinisinta ng militar kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu.
“This surrender indicates their desire to live normal and productive lives,” pahayag ni Lt. Col. Elmer Boongaling, Commanding Officer ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) ,
Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga nagsisurender na mga rebelde upang matiyak ang seguridad ng kanilang mga pamilya
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng 13 matataas na kalibre ng baril, eksplosibo at mga bala.
- Latest