^

Police Metro

Abogada na may ka-eyeball patay sa saksak

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Abogada na may ka-eyeball patay sa saksak
Kinilala ang nasawi na si Atty. Charmaine Mejia, ng Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City.
File

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 31-anyos na abogada matapos siyang pagsasaksakin habang hinihintay ang katagpo kahapon ng madaling araw sa Las Piñas,City.

Kinilala ang nasawi na si Atty. Charmaine Mejia, ng Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City.

Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng madaling araw sa harapan ng FDJ Appartel sa Marcos Alvarez Avenue, Brgy. Talon 5 ng lungsod ay nagpunta roon ang biktima para katagpuin ang hindi pa kilalang tao.

Pagbaba pa lamang nito ng kanyang biktima sa kanyang kotse ay kaagad siyang sinalubong ng saksak ng hindi pa kila­lang suspek.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakas  ang suspect sakay ng isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka habang nakatawag pa ang una sa  kanyang kapatid na isa ring abogada at sinabi na siya ay sinaksak. Dinala ng mga taong nagmalasakit ang biktima sa ospital, namatay din ito.

Inaalam pa ng pulis­ya kung sino ang taong katatagpuin ng biktima sa lugar.

CRIME

EYEBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with