MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni STORM Consultants strategist Perry Callanta, dapat nang magkampante si Poe dahil mahirap siyang tibagin sa pangunguna sa midterm elections sa Mayo sa mga lumalabas na survey.
“Paano masisibak sa pagiging topnotcher si Poe kung malakas pa rin ang ‘FPJ Magic’ na kitang-kita sa pag-angat din ni Lito Lapid sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) sanhi ng kanyang papel sa seryeng ‘Ang Probinsyano’, wika ni Callanta.
Bagamat inamin ni Poe na natatakot sa kanyang kandidatura kahit patuloy ang pangunguna sa pitong nagdaang survey.
Iginiit naman ni NEXTGEN multimedia group managing director Albert Gamboa na mangunguna talaga si Poe sa mga survey dahil sa political will na ipinakita nito at sa pagkalinga sa mga bata.
“Ang paggiit niya na bawiin ng DOTr (Department of Transportation) ang P1 milyong multa sa mga kolorum na bus ay malaking bagay at sa paninindigan na manatili ang minimum age of criminal responsibility sa 15-anyos ay dapat lang talaga na maging topnotcher siya,” diin ni Gamboa.
Matatandaan na si Poe ang naging topnotcher noong 2013 senatorial elections sa nakuhang mahigit 20 milyong boto.