25 katao naaresto sa unang araw ng Comelec checkpoints
MANILA, Philippines — Umabot sa 25 katao ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa unang araw na pag-iral ng Comelec checkpoint operation sa 4,447 lugar sa bansa bilang bahagi ng 150 araw na election period kaugnay ng gaganaping midterm elections.
Nakumpiska sa operasyon ang 27 armas, 168 rounds ng mga bala, pitong patalim, anim na gun replica at 70 sachet ng marijuana at dalawang glass pipe na may marijuana.
Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na apat katao rin ang nasawi sa serye ng checkpoints sa mga lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija matapos ilunsad ang Comelec gun ban.
- Latest