4 todas sa checkpoints
MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang apat na armadong kalalakihan sa magkakahiwalay na engkuwentro sa mga unang oras ng implementasyon kahapon ng Comelec gun ban at checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon kahapon.
Sa ulat ni Chief Supt. Joel Coronel, Central Luzon Police Director, napatay ang dalawang lalaki sa checkpoint ng Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan matapos makipagratratan nang tumangging ihinto ng mga suspek ang kanilang motorsiklo dakong ala-1:15 ng madaling araw.
Nasamsam sa dalawang suspek ang isang Cal.45 pistol at paltik na cal.38 rebolber.
Napatay naman ang isang suspek sa San Antonio, Nueva Ecija; nang manlaban sa checkpoint sa Brgy. Luyos dakong alas 5:50 ng umaga at nasamsam ang isang cal.38 rebolber na paltik sa suspek.
Patay din ang isa sa dalawang karnaper sa Gapan City, Nueva Ecija; nang makipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint ng Brgy. Sto. Cristo Norte.
Nakatakas ang isa sa mga karnaper na sakay ng motorsiklo.Habang nakuha sa napatay na suspek ang isang cal.38 rebolber, dalawang sachets ng shabu at ang motorsiklong pag-aari ni Keanu Nuñez na kinarnap ng suspek.
- Latest