NPA umatake ngayong kapaskuhan-AFP

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army –National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na sila ay isang teroristang organisasyon sa ginawang nitong paglulunsad ng serye ng paghahasik ng terorismo sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, ang pinaigting na pag-atake ng NPA rebels, ang armed wing ng CPP ay simbolo ng karahasan partikular na sa pagdaraos ng ika-50 taong anibersaryo ng komunistang grupo ngayong araw ( Disyembre 26 ).

Una nang umalerto ang AFP at PNP kaugnay ng pagdiriwang ng CPP ng ika- 50 nitong kaarawan ngayong araw ( Disyembre 26 ) kung saan ay pinalalakas ng NPA rebels ang paghahasik ng terorismo.

 Kabilang dito ay ang pagbihag ng dalawang sundalo at 12 CAFGU sa Sibagat, Agusan del Sur noong Disyembre 19 ng taong ito, ambuschades at iba pa.

Show comments