^

Police Metro

Tokhang pamosong kataga sa Taong 2018

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tunay na petmalu ang Tokhang na itinanghal na pamosong kataga ng taon!

 

Halos nangunguna rin ang tokhang o ang ­anti-drug war ng Philip­pine National Police (PNP) sa mga isyu at balitang bumandera sa PM na nagdiriwang ng ika-15  taon ngayon simula ng inilimbag ang pahayagang ito.

Ang tokhang ay na­nguna sa mga katagang petmalu lalo na sa mga bagong sibol na kabataan at ibinoto hanggang sa maitanghal na numero unong pamosong ka­taga  ng mga Pinoy sa taong 2018 sa ginanap na  Sawikaan Pambansang Kumperensya  Sa Salita ng Taon sa University of the Philippines (UP) Diliman nito lamang nakalipas na hu­ling bahagi ng  Oktubre.

Samantalang in-na-in din ang fake news o pekeng balita na trending din sa social media at pumangalawa sa tokhang .

Naging kapansinpansin din na bukambibig ng mga Pinoy ang tokhang simula ng maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2016 at ilunsad ang drug war na siyang misyon ng kaniyang administrasyon.

Gayunman, ano nga ba ang kahulugan ng tokhang na naipagkakamali ng iba na anti –drug raid  at shootout?

Ang tokhang, ayon sa depenisyon ng Philip­pine National Police (PNP) ay nangangahulugan ng “knock and plead “o ang pagkatok sa tahanan ng mga pinaghihinalaang drug perso­nalities para kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas.

Sa tala ng PNP, aabot na sa 1.6 M  ang sumuko sa Oplan Tokhang simula ng ilunsad ang drug war na inaasahang mada­dagdagan pa kaugnay ng puspusang anti-drug campaign.

Dito ay kaniya kaniyang gimmick din ang bawat himpilan ng pulisya sa Oplan Tokhang tulad na lamang sa bayan ng Paombong, Bulacan na gumagamit pa ng megaphone ang mga pulis para kumbinsihin ang mga drug personalities na sumuko na sa batas at landasin ang pagbabagumbuhay.

Dahilan madalas ipag­kamali ng netizens na ang raid at buy-bust ope­rations ay Tokhang ay magkaiba ito na ba­hagi ng pinalakas na drug war ng administrasyon. 

Ipinaliwanag ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na sa ilalim ng Oplan Tokhang ay kinakatok ang bahay ng mga pinaghihina­laang drug personalities at pinakikiusapan ang mga itong sumuko sa batas  para sumailalim sa rehabilitasyon at magbagumbuhay.

Tiniyak din ng PNP Chief na base sa kaniyang direktiba ay ire­respeto ang karapatang pantao ng sinumang  indibidwal na target sa drug list  at bagaman may mga sumablay na operasyon ay ‘isolated case’ lamang ang mga ito.

Ang Tokhang ay kabilang sa istratehiya kontra drug war ng PNP. Noong Hulyo 2016 ay inilunsad ang Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang na naglalayong matuldukan ang malalang problema sa droga sa bansa. 

Makalipas naman ang ilang buwan ay pinaig­ting ito sa paglulunsad muli ng Oplan Double Barrel Reloaded at Oplan Tokhang Revisited.

“The drug war is far from over, ibig sabihin we need to continuously cleanse our ranks of misfits and scalawags,” paliwanag naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Benigno Durana Jr., na aminadong may mga pulis na naligaw ng landas matapos masangkot sa illegal drug trade kabilang ang ilang nasa drug matrix ni Pangulong  Rodrigo Duterte.

Sa pinakahuling data na ipinalabas ng PNP noong huling bahagi ng Oktubre ng taong ito umaabot na sa 4, 854 ang mga nasawing drug pushers at users mula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 31, 2018. Inaasahan namang bago magtapos ang taong ito ay maipalalabas na ang accomplishment ng PNP sa drug war mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018.

Sa kabuuan tinata­yang nasa 30,000 na ang napapatay  dahilan sa droga na ayon sa PNP ay mga sindikato mismo ng droga ang sangkot   na ang pangunahing motibo ay onsehan.

Naitala naman sa 155,193 ang mga nasakoteng drug personalities kabilang ang 247 mga halal na opisyal sa gob­yerno 271 ang emple­yado ng pamahalaan at 58 naman ang mga uniformed personnels. Nasa 105 naman ang nasibak sa trabaho bunga ng mga kasong may kinalaman sa droga kung saan 89 dito ay mga personnels ng PNP.

 Nasa 279 naman ang nadismis sa serbisyo  dahilan sa paggamit ng droga, 267 dito ay mula sa PNP at 105 naman  ang nasibak sa pagkakasangkot sa illegal drug trade kabilang ang 89 mga pulis.

 Samantalang nasa 223 drug dens at 12 clandestine shabu laboratory ang nalansag habang nasa P 2.64 bilyon ng illegal na droga, kemikal at kagamitan sa laboratory ang nakumpisa sa puspusang drug war.

PANG MASA ANNIVERSARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with