Forever na cellphone number aprub na sa bicam

Sinabi ni Senator Sher­win Gatchalian, nagsulong ng panukala sa Senado karapatan ng mga post­paid at maging prepaid subscribers na mapanatili ang kanilang numero ng telephono kahit pa nagpalit na sila ng telecommunica­tion company o provider.
Pixabay

MANILA, Philippines — Kahit pa magpalipat-lipat ng telcom companies ang mga subscriber ay habambuhay na nilang taglay ang kanilang cell­phone number.

Ito ay makaraang maaprubahan ng bicameral conference committee ang panukalang batas na nagla­layong gawing forever ang cellphone number.

Sinabi ni Senator Sher­win Gatchalian, nagsulong ng panukala sa Senado karapatan ng mga post­paid at maging prepaid subscribers na mapanatili ang kanilang numero ng telephono kahit pa nagpalit na sila ng telecommunica­tion company o provider.

Naniniwala si Gatchalian na mas magka­karoon ng kompetisyon sa pagitan ng mga telecom­munications kung magka­karoon ng kalayaan ang mga subscribers na lumipat na hindi kinakailangang magpalit ng cellular phone number.

Kapag naging batas, aa­tasan ang lahat ng Public Telecommunications En­tity (PTE) na bigyan ang kanilang subscribers sa bu­ong bansa ng Mobile Num­ber Portability (MNP) para mas mabilis na makalipat sa nais nilang service provider.

Maari ring lumipat ang mga subscribers sa papasok na third telecommunication company kung gugustuhin nila.

Idinagdag ni Gatchalian na walang magiging secu­rity impact ang panukala dahil ang dadalhin lang ay ang cellphone ng may-ari.

Show comments