^

Police Metro

Cash reward sa makakaaresto kay Manila barangay chairman Falcon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magbigay ng cash reward na P20,000 ang concerned citizen na si Don Bagatsing sa sinumang makakapagturo at makakaaresto sa Barangay 350 Zone 35 Chairman Felipe Falcon Jr., na walang awang nambugbog sa isang 16-anyos na binatilyo sa loob ng barangay hall sa Maynila, kamakailan.

Mariing kinondena ni Bagatsing ang ginawa ni Falcon at sinabing hindi makatarungan at makatao ang ginagawang pambubugbog sa binatilyo.

Aniya, dapat ay bugbugin din ng taumbayan si Falcon sa oras na siya ay madakip o lumutang, tulad ng kanyang ginawa sa biktima.

Paliwanag ni ­Bagta­sing, walang puwang sa gobyerno ang isang halal na opisyal na sa halip na ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupang mamamayan ay siya pa mismo ang gumagawa ng pambubogbog.

Hinihikayat din ni Bagatsing ang opisina ni Barangay Affairs ng Department of Interior and Local Government (DILG) Usec Martin Diño na tanggalin na bilang Barangay Chairman si Falcon.

FELIPE FALCON JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with