Faeldon pinalaya na sa kulungan
MANILA, Philippines — Lumabas na kahapon ng umaga sa kanyang selda sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga nang sunduin ng anim na miyembro ng Senate Sgt at Arms si Faeldon at labing apat na jail officers sa pamumuno ng jail warden na si Supt. Bernie Ruiz matapos na makulong ng halos isang buwan simula noong Enero 28.
Ang pagpapalaya kay Faeldon ay bunsod nang pagbawi ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang contempt order na isinampa laban dito dahil sa hindi ito nakipagtulungan kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado na may kaugnayan sa P6.4 billion shabu, na nakalusot sa BoC at umano’y pambabastos nito sa Senador.
Ayon kay Faeldon magpapahinga muna sa bahay at pagkatapos ay magtatrabaho na siya bilang deputy Administrator ng Office of Civil Defense.
- Latest