Bagets pumatay nang matalo sa volleyball
MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang 32-anyos na lalaki ng isang 17-anyos na binata na tinalo ng grupo ng una sa volleyball kamakalawa ng hapon sa Brgy. Situbo, Roxas, Zamboanga del Norte.
Namatay noon din ang biktimang si Ricky Suya, ng Brgy. Situbo, Roxas ng lalawigang ito matapos na lumuwa ang bituka sa sunud-sunod na saksak ng suspek na si alyas Iking na agad tumakas.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bago naganap ang krimen bandang alas-4:00 ng hapon ay naglaro ng volleyball ang grupo ng suspek at ng biktima na nauwi sa kantiyawan matapos na matalo ang mga una.
Nagpanting umano ang suspek na agad bumunot ng patalim saka bigla na lamang dinaluhong ng saksak ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.
- Latest