^

Police Metro

7 kotongerong pulis-Maynila kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kinasuhan na ng reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Manila City prosecutors office ang pitong pulis Maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendors.

Ayon kay Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang isinampan laban kina  SPO2s Marvin Velasquez; Rommel Alfaro, PO3s Leo de Jose;John John David, PO2 Romeo Rosino, PO1s Ronnie Boy Alonzo at James Paul Cruz.

Bukod sa kasong kriminal nahaharap din ang mga nasabing pulis na pawang nakatalaga sa Station 5 ng MPD sa kasong administratibo.

Nag-ugat ang kaso kaugnay ng reklamo ng mga vendors sa Ermita, Maynila na kinokotongan sila ng mga nasabing pulis na kapag napatunayang nagkasala ay maaaring masibak sa serbisyo at walang matatanggap na benipisyo.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with