Kolehiyala, nabuntis nagbigti
MANILA, Philippines - Hindi umano nakayanan ng isang 18-anyos na kolehiyala ang sinapit na kahihiyan na binuntis at inabandona ng nobyo kung kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kamakalawa sa Brgy. 2, Malaybalay City, Bukidnon.
Ang nasawi ay kinilalang si Jessame Macalintal, 2nd year college student sa Bukidnon State University at residente ng Brgy. Gata, Wao, Lanao del Sur.
Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng tanghali nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa bintana ng banyo ng Pendatum boarding house ng boardmate nitong si Abigail Alajar.
Ayon sa imbestigasyon, bago ang pagpapatiwakal ng dalaga ay naipagtapat nito sa kaniyang pinsan at boardmates na wala siyang mukhang ihaharap sa kaniyang mga magulang gayundin sa kanilang lugar matapos na mabuntis.
Sinasabing tinakasan ng kaniyang boyfriend ang dalaga na ayaw panagutan ang sanggol na dinadala sa kaniyang sinapupunan at ilang araw na umanong itong tulala hanggang sa kitilin ang kaniyang sariling buhay.
- Latest