8 bahay tinangay ng dagat

MANILA, Philippines -  Walong kabahayan ang naiulat na tinangay ng malakas na alon ng dagat noong Biyernes ng gabi sa Purok 3, Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay naalarma ang mga residente dito dahil sa biglaang high tide na naganap sa patuloy na pagbuhos ng ulan at malakas na hanging naranasan.

Nabatid na umabot sa apat at kalahating talampa­kang  taas ng alon na tumangay sa bahay kubo ng mga biktima.

Show comments