300 international, domestic flights kinansela
MANILA, Philippines - Umabot sa 300 international at domestic flights ang kinansela ang mga biyahe sa lahat ng mga terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng bagyong si Nina kahit na humina ito matapos mag-land fall sa Batangas, kahapon ng umaga.
Patuloy pa umanong mino-monitor ang kaganapan sa lahat ng terminal sa NAIA para alamin ang mga kalagayan ng mga pasahero dito na na-istranded dito, ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal.
Samantala, nagkaroon na nang recovery flights ang ilang airline companies kahapon para bumiye na ang kanilang eroplano dahil gumanda na ang panahon.
Habang isinusulat ang balitang ito ngayon umaga ay inaasahan na makakabalik na sa normal operation ang ilang domestic at international flights.
- Latest