MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang dapat ikabahala si Vice-President Leni Robredo at mga Bicolanos dahil matatapos nito ang kanyang termino bilang halal na bise-presidente.
Ito ang inihayag ni Digong sa media interview kahapon matapos pangunahan ang ground breaking ceremony sa itatayong Bicol International Airport.
“I will assure Vice-President Leni and the rest of Bicol region that the vice-president will not be removed from her office,” dagdag pa ni Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang batayan upang alisin si VP Robredo sa kanyang poder kaya nasisiguro niyang matatapos nito ang kanyang termino.
“There is no such thing of removing VP Leni from her office because she did not do anything wrong,” giit pa ng Pangulong Duterte.
Iginiit muli ni Pangulong Duterte na wala siyang plano na magdeklara ng martial law kaya dapat itigil na ang pagpapakalat ng ganitong mga impormasyon sa publiko.
Samantala, dumalo din si Pangulong Duterte sa 7th anniversary ng Federalismo Alyansa ng Bikol (FAB) sa Legaspi City.
“I am supporting federalism. Without it, you will never find peace in Mindanao,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.