^

Police Metro

Traffic enforcer lasog sa truck

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang traffic enforcer makaraang mabundol at pumailalim pa sa isang trak habang ang una ay lulan ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng hapon. 

Namatay noon din sa pinangyarihang  lugar si Raymart Discaya, 25, miyembro ng Valenzuela Traffic Enforcement Unit, at naninirahan sa Francisco St., Brgy. Paso de Blas, ng naturang lungsod.

Agad din namang nadakip at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng truck na si Charly Turtoga, 28, at naninirahan sa Gen. San Miguel St., Sangandaan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang Gen. Luis Street sa Brgy. Paso de Blas dakong alas-4:30 ng hapon nang mabundol ng Isuzu Rebuilt Truck (AGA 7608) na minamaneho ni Turtoga.

Pumailalim ang biktima at ang kanyang motorsiklo sa trak ngunit sa halip na huminto ay nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan dahilan para magulungan ang biktima sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

 Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Valenzuela City Police na dahilan ng pagkakadakip ni Turtoga.

vuukle comment

LASOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with