Barangay chairman todas sa shootout

Michael Bisping and Dan Henderson.

MANILA, Philippines – Napaslang ang isang Brgy. chairman na umano’y nasa “drug watchlist”  matapos itong makipagbarilan sa mga pulis  habang nadakip naman ang isang miyembro ng Commando gang sa isang pagsalakay na isinagawa  kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Nelson Nazareno, ng Brgy. 139 ng nasabing lungsod sa tinamong mga tama ng bala sa katawan at nasakote naman ang kasama nitong si Felix Rambonanza alyas Jun Rambo, nasa hustong gulang.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng raid ang mga elemento ng Crimininal Investigation and Detective Management Group (CIDG), Northern Police District (NPD) at National Capital  Regional Police Office sa bahay ng suspect na si Nazareno sa #32 Bagong Barrio ng naturang lungsod pero nanlaban ito kaya napatay sa shootout.

Narekober ng mga pulis mula sa nasawing si Nazareno ang isang kalibre .45 baril at ilang plastic sachet ng shabu.

Show comments