Mt. Bulusan nagbuga ng usok

MANILA, Philippines - Nag-alboroto kahapon ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa Bicol Region makaraang kakitaan ng pagbubuga ng usok na may 2 kilometro ang taas ganap na alas 11:35 ng umaga kahapon.

Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)  ang naturang aktibidad ay “phreatic” kayat kulay grey na usok ang naibuga ng naturang bulkan .

Sa nakalipas na  24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 113 volcanic quakes.

Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng mga residente doon sa loob ng 4-kilometer danger zone.

Pinayuhan din ni Solidum na mag-ingat ang mga residente ng Cogon at Irosin gayundin ang mga taga puting Sapa Village sa bayan ng Juban dahil sa inaasahang epekto dito ng ashfall.

Show comments