Digong sa mga solons: Bigti ang gusto ko!

MANILA, Philippines – Mas nais ni President-elect Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang bitay hindi sa pamamagitan ng lethal injection kundi sa bigti.

Ito ang ipinabatid ni Duterte sa mga kongresista na nakipagkita sa kanya sa Presidential Guest House sa Davao City kamakalawa ng gabi at kabilang dito  sina outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ng Liberal Party at 16 kongresista.

Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez na sinabi ni Duterte na hindi raw nakakatakot yung lethal injection kasi patutulugin lang kung bigti ay makikita mong nagkakawag-kawag.

 

Show comments