Intsik nadakip sa P45M shabu bust

MANILA, Philippines – Isang Chinese national na kinilalang si Norman Hung Wang na umano ay bigtime drug trafficker ang nadakip sa isang drug operation kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Batay sa ulat, bandang alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng anti-illegal drug operations ang mga elemento ng CIDG-NCR sa harapan ng Harrizon Plaza, Adriatico Street., Brgy. 720, Zone 78, Malate  sa lungsod ng Maynila.

Si Wang ay nasakote sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa poseur buyer ng mga tauhan ng CIDG–NCR sa pakikipagkoordinasyon sa MPD operatives kapalit ng isang kilo ng shabu sa loob ng sasakyan nito.

Nasamsam mula kay Wang ang siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P45-M, isang kulay kayumangging envelope, travel bag na naglalaman ng droga na nakatago sa behikulo nito; P800,000  pekeng pera kabilang ang marked money, sari-saring mga identification cards at ang kulay abong Toyota Altis na gamit nito sa illegal na transaksyon sa pagbebenta ng droga.

Show comments