^

Police Metro

Binay nanguna uli sa survey - SWS

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) ay muling nanguna si United Nationalist Alliance (UNA) presidential bet Vice President Jejomar Binay na siyang nais at napipisil ng nakararami na susunod na Pangulo ng bansa.

Batay sa resulta ng pre-election survey ng Business World-SWS na ginawa nitong Pebrero 5-7, 2016 ay  limang puntos ang lamang  ni Binay sa mga magiging kalaban nito sa presidential election na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Grace Poe na nagtabla sa ikalawang puwesto.

Nasa 29 porsyento ng may 1,200 respondents ang pumili kay Binay habang sina Duterte at Poe ay nakakuha ng tig-24 porsyento.

Sa nakalipas na survey nitong Enero, mas mataas sa 31 porsyento si Binay o may pitong puntos na lamang o layo kay Poe na nakakuha ng 24 porsyento habang si Duterte ay 20 porsyento.

Lumalabas sa survey na 18 porsyento ang nakuha ni administration candidate Mar Roxas, na bumaba mula sa 21 porsyento na nakuha nito noong Enero habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha ng 4%.

Tinanong sa mga respondent voters sa buong bansa ang “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang malamang ninyong iboboto bilang President, Bise-Presidente, at mga Senador ng Pilipinas? Narito ang listahan ng mga kandidato.”

Ayon kay Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs na nagpapakita lamang na matatag ang “core group” ni Binay  na lalo pa umanong dumarami habang papalapit ang halalan.

Nagpasalamat si Binay sa kanyang supporters matapos ang kinalabasan ng survey at sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kanilang kampanya at pag-iikot sa mga lalawigan. Gayunman, inihayag nito na ang tunay na survey ay makikita sa mismong araw ng halalan.

Sinabi pa ni Quicho na lalo pang paghuhusayan ng Bise Presidente ang kanyang pagtatrabaho para sa mamamayan at kanyang isusulong ang mga programa na magpapaangat sa pamumuhay ng mga Pinoy.

 Sa mga kandidato sa pagka-bise presidente, pinili naman ng mga respondents sina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sen. Francis “Chiz” Escudero na parehong nasa unang puwesto sa nakuhang tig-26%.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with