MANILA, Philippines – Magkadugo raw sina Senators Bongbong Marcos at Grace Poe batay sa natanggap na sulat ng ilang mediamen sa Senado na naglalaman ng diumano’y resulta ng DNA test ng una kung ikukumpara umano sa resulta ng DNA test ng huli.
Nakasulat sa envelope ang First Technik Philippines bilang sender na may tanggapan umano sa 2310 Legarda, Sampaloc, Manila at nakapirma ang isang Julie Luduvico na isa umanong Forensic Scientist 1 sa ipinadalang sulat na may title na “Personal Test Certificate” at may petsang Nobyembre 12, 2015.
May nakaipit sa sulat ng isang maliit na papel na nagsasabing: “Note: This is Sen. Bongbong Marcos’ DNA result. Compare this with that of Sen. Grace Poe and you will see that they are related.”
Matatandaan na bahagi ng tinatawag na “urban legend” ang diumano’y pagiging magkapatid sa ama nina Marcos at Poe.