^

Police Metro

Award ni P-Noy sa SAF 44 inisnab ng biyuda at pamilya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sinipot ng ilang biyuda at pamilya ng fallen  Special Action Force (SAF)  44 ang parangal ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III para sa mga ba­yaning commandos sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao, isang taon na ang nakalilipas.

Walang umakyat na pamilya sa entablado para tumanggap ng posthumous Distinguished Conduct  Star medal  para kina PO2 Nicky Nacino at PO1 Rennie Tyrus at tanging ang mga mistah na sina Sr. Inspector Max Jim Tria at PO2 Franklin Danao ang kumuha ng parangal para sa dalawang nasawing SAF troopers.

Si Sr. Inspector John Garry Erana ay kinuha naman ng kaniyang tiyuhin ang parangal.

Hindi rin nagpakita sa nasabing pagpaparangal ang misis ni Sr. Inspector Ryan Pabalinas na si Ericka sa halip ay ang ama at kapatid nitong lalaki ang tumanggap ng parangal mula kay Aquino.

Magugunita na si Ericka Pabalinas ang nagsilbing ‘mouthpiece’ ng mga biyuda ng SAF 44 at kanilang mga pamilya ng tahasang manawagan ng hustisya kay P-Noy sa burol ng mga nasawing SAF sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos na iuwi ang bangkay ng mga ito sa Metro Manila ilang araw matapos ang malagim na Oplan Exodus noong Enero 25, 2015 kung saan ay napatay ang international terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan, may patong sa ulong $ 5 M at ang Pinoy henchman nitong si Abdul Basit  Usman.

Dalawa naman sa mga ito ay binigyan ng posthumous Medal of Valor award na sina Inspector Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.

ABDUL BASIT

ANG

CAMP BAGONG DIWA

DISTINGUISHED CONDUCT

ERICKA PABALINAS

FRANKLIN DANAO

INSPECTOR GEDNAT TABDI

MEDAL OF VALOR

METRO MANILA

MGA

OPLAN EXODUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with