^

Police Metro

NGCP tower sinunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muli na namang naulit ang pagsasabotahe ng mga armadong kala­lakihan sa mga tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos sunugin ang isang tower kamakalawa ng gabi sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa ulat ng Central Mindanao Police, bago nangyari ang pagsunog dakong alas-11:40 ng gabi sa Tower 762-B na matatagpuan sa Brgy.Salimbao ay ilang mga armadong kalalakihan ang nakitang umaaligid sa lugar.

Nang makakuha ng   tiyempo ay binuhusan ng gasolina ng mga suspek saka sinindihan ang nasabing tower  at nagliyab ang apoy at nahagip ang linya ng kuryente at agad na tumakas.

Dahil sa pangyayari ay nawalan ng suplay ng kuryente sa Maguindanao, North Cotabato at maging sa Cotabato City.

Magugunita na sunud-sunod ang pagpapasabog at panununog ng mga armadong kalalakihan sa tower ng NGCP kaya’t isinailalim sa red alert ang mga tanggapan ng militar at humingi na rin ng tulong sa security forces.

Pinaniniwalaan namang pangingikil ng pera sa pangasiwaan ng NGCP ang motibo sa panununog ng mga suspek na hinihinalang mga  Alkhobar extortion gang o Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

ACIRC

ALKHOBAR

ANG

CENTRAL MINDANAO POLICE

COTABATO CITY

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

MAGUINDANAO

MGA

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with