MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang kongresista sa dalawang opisyal ng Commission on Election (COMELEC) na tigilan na ang kanilang bangayan kundi magkaisa na lang para sa mapayapa at kapani-paniwalaang halalan.
Ito ang hiling ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Fredinil Castro dapat manahimik sina Comelec chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon.
Giit ni Castro dapat na magpakahinahon sina Bautista at Guanzon para mabawi nila ang kani-kanilang composure.
Sa halip umano na mag-iringan nararapat na magkaisa ang dalawang opisyal at magkasundo sa kanilang mga hakbang lalo na ngayong nasa kasagsagan ng preparasyon para sa darating na eleksyon sa Mayo.
Para naman kay Castro, nagkaroon ng error in judgement sa panig ni Guanzon nang maghain ito ng komento sa Korte Suprema na umanoy hindi otorisado ng Comelec En Banc.