Coed na napagalitan ng magulang, nagbigti

MANILA, Philippines – Nagawang tapusin ng isang 18-anyos na dalaga ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang kanyang pajama sa sobrang sama ng loob matapos mapagalitan ng magulang.

Ang biktima ay kinilalang si Maricris Marco, residente ng Blk 17, Lot 7, Phase 3, Brgy. Burol 1 Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima ng kanyang ina.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pagbibigti ng dalaga ay napagalitan umano ito ng magulang at pinagbawalan na lumabas ng bahay na ikinasama umano ng loob nito.

Show comments