Mar pinakamalaki ang ginastos sa Ads
MANILA, Philippines – Si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang umano ay siyang nanguna sa pinamalaking ginastos sa political ads sa lahat ng kumakandidatong presidente.
Ito ay batay sa ulat ng AC Nielsen mula Enero hanggang Disyembre 2015 na si Roxas ay nakagastos na umano ng P774, 192,000.
Sumunod dito sina Sen. Grace Poe-P695,603,000;Vice President Jejomar Binay-P695,555,000 at Davao City Mayor Rodrio Duterte-P129,599,000.
Pinabulaanan naman ng kampo ni Binay ang lumabas sa pahayagan na siya ang nanguna sa paggastos sa TV ad na namonitor ng Nielsen Philippines.
Duda ang kampo ni Binay sa nasabing ulat dahil sa kanilang pagkakaalam ay hindi pa naglalabas ang nasabing reseach firm ng kanilang datos para sa 2015.
Binigyan ng kasiguruhan ni Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay ang publiko na sila ay hindi gagastos ng malaki sa political ads na ginagawa na ng mga kandidato na inilalabas sa mga national, cable, provincial TV at radio.
Samantala, balik sa top spot sa pinakabagong Pulse Asia survey si Binay sa napipisil ng mga botante bilang presidential bet sa 2016.
Sa data ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 33 percent; si Duterte ay may 23 percent; si Poe ay mayroong 21 percent; si Roxas naman ay may 17 percent, habang si Sen. Miriam Santiago ay nakakuha ng 4 percent.
Maaari umanong ikonsidera na statistically tied o pantay sina Duterte at Poe dahil sa margin of error.
Isinagawa ito noong Disyembre 4-11, 2015 at nasa 1,800 ang bilang ng respondents sa nabanggit na survey.
- Latest