^

Police Metro

Mga estudyante hahasain sa pagbabasa at pagbibilang

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Department of Education (DepEd) ang mga etud­yante sa pagbabasa at pagbibilang ngayong2016, kasabay ng pagpapatupad ng K to 12 program ng pamahalaan.

Ito ay batay sa ipinalabas na guidelines ng kagawaran hinggil sa pagbabantay at ebalwasyon ng kaalaman ng kindergarden hanggang sa Grade 3 sa matematika at pagbabasa.

Ayon sa DepEd, gagamitin na ang Early Grade Reading Assessment (EGRA) at Early Grade Math Assessment (EGMA) para masiguro ang kalidad ng implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) at lite­racy/numeracy program para sa mga estudyante sa buong kapuluan.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, kaila­ngan sukatin ang kaalaman ng mga estudyante habang maaga upang masiguro ang dapat na gawin para makaangkop sa aralin.

Gagamitin ng DepEd na panukat ang programa para malaman kung epek­tibo at episyente ang repormang ipinatutupad sa kurikulum ng kagawaran.

Ang lahat ng mga dapos na makukuha mula sa pagsukat ng kaalaman ay siyang ipadadala sa gumagawa ng polisiya, plano at programa sa national at regional level.

Maging ang paggamit ng MTB-MLE ay layunin maitaas ang kaalaman at kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral sa bansa.

ACIRC

ANG

ARMIN LUISTRO

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EARLY GRADE MATH ASSESSMENT

EARLY GRADE READING ASSESSMENT

GAGAMITIN

ITO

MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION

PAIIGTINGIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with